Masaya ang buhay sa STEP. Sabi nga ng marami, ang STEP ang pinakamasayang contest sa high school. Before, nung hindi pa ako nakakasali sa contests ng STEP, inisip ko na isa lang iyong ordinaryong kompetisyon, yung tipong walang gaanong kasiyahang mangyayari. Pero nung napasama ako sa STEP DSDC nung 2nd year pa lang ako, ang saya saya ko. Napagtanto ko na iba talaga ang buhay sa STEP. That time, 3rd placers lang kami sa Business Planning but last year, we made it to Regionals at naging 4th runner up kami in the said competition sa Baler, Aurora. At recently naganap naman ang 11th STEP DSDC sa MNHS-Cabcaben where we won as the champion in Business Planning and lately, for the Regionals, we were at the Entertainment Capital of the Philippines [yata] :], the Angeles City of Pampanga.
December 13, 2010
Ito yung araw before the Regional Competition. Umaga pa lang dala dala ko na ang mga suit ko para di na dalahin kinabukasan. [medyo madami rin kasi akong dadalhin kinabukasan] Ayun, nung umaga, damang dama ako ang trainings.. yung trainings ng ibang contests. Kasi kaming mga business planners, wala ng gaanong ginagawa. Nandun kami sa sulok ng iHUB, nagfafacebook. Si Dianne, nagkulong sa Computer Laboratory at nagpakasuper busy kaaAdobe Photoshop. Si Dorene, bake na ng bake ng cake.. super busy din kaya ayun tuloy nnautusan akong mag gawa ng patungan ng base ng cake niya. [hirap pa naman maggupit ng iluustration board. :/] SI Dyamaeka naman, nagsasasayaw pa rin. And then si Bien, nandun sa Cabcaben, nagwewelding kasama ng trainor niya na tiga Cabcaben.
Nung hapon, doon ko naramdaman yung training. After the final meeting, super balot na ng chocolates, [ ewan ko ba kung bakit lagi na lang kaming ginagabi tuwing bisperas ng contest. ] Sa totoo lang nagdahilan na lang ako na medyo masama ang pakiramdam e.. kahit na sa totoo lang.. ngipin ko talaga ang sumasakit. Ayun, napauwi ng maaga.
Nung gabi naman, dun lang ako nagpack ng gamit ko. As in super pack talaga. Inalarm ko na rin yung cellphone ko ng 2:45 ng madaling araw at natulog na ako.
December 14, 2010
Nananaginip ako. Napanaginipan ko na 4:00 na raw nung nagising ako. Eto na, nagising tuloy ako. At nung pagkagising ko 4:10 na. [ Nagkatotoo tuloy panaginip ko] Di na ako nagbreakfast at nagmabilis na lang maligo at magtoothbrush. Pagdating ko sa bus, mas nalate pa pala sakin si Dianne at si Sir Angel pati na rin si Sir Rubia. yung usapang 4:30 aalis ay naging 5:00. [tsk. tsk.] 8:00 na ng umaga nung nakarating kami sa Angeles. Binaba lang namin yung gamit namin sa mga quarters sa Clemente N. Dayrit E/S at nagpalit ng damit at yun dumiretso na kami sa quarters namin sa Francisco G. Nepomuceno Memorial High School. Room 53. Yun yung room na tiuluyan namin sandali sa school na yun. Opening Program. Nakakaantok. Medyo nabuhayan lang ako nung Roll Call na at siyempre gaya ng inaasahan, kakaiba na naman ang roll call ng mga taga Bulacan samantalang sa Bataan.. [ wag na nga lang ipaalam]. Haha. :]
1:00 P.M.
Nagsimula na ang mga contests. No. 7 ang nabunot namin sa Business Planning. Mga 6:00 na ng matapos kaming magpresent. After that, back to the quarters na sa ClemenDES unting kain, ayos ng sarili at nood na ng Mr. and MS. STEP. Luckily, nasungkit ni Dyam ang best in Techno Wear. AT take note napakagaling nya sa Q and A. [ Ewan ko nga lang sa judge kung bakit ganun naging result. Ang ganda talaga ng sagot niya. Promise. ]
11:00 PM.
11:00 PM.
Balik ulit sa ClemenDES. Tulugan time na.
December 15, 2010
Madaling araw pa lang, naligo na ko. For 6 hours, nadun lang kami sa quarters, nagkukwentuhan ng mga buhay buhay. [ Ang drama pa nga na nakakatawa e. Ewan ko ba. ]
1:00 P.M.
December 15, 2010
Madaling araw pa lang, naligo na ko. For 6 hours, nadun lang kami sa quarters, nagkukwentuhan ng mga buhay buhay. [ Ang drama pa nga na nakakatawa e. Ewan ko ba. ]
1:00 P.M.
Nandun na naman kami sa FGNMHS.
2:00 P.M.
Nagstart na ang awarding. And we are all happy for the results except for _______. We tried our best so there was no reason for us to be sad that time. Ngiti lang talaga ako. :D
Ito.. ito yung part na nag enjoy sila pero ako hindi dahil hindi ko nakita. Sayang tuloy effort ni Dyamaecca Mei Tajan Tretasco sa pagkuha ng kung anuman ang meron sa basura. Naku.. walang Ms. STEP Ms. STEP. Basta may pagkain.. lusob. sabi nga nila May pagkain sa basura. :]
SM Time. Sm Pampanga.

Narealize ko nung time na yun na mahirap pala ang magshopping especially na 1 hour lang yung alloted time. Anyway may nabili naman ako. Isang MXVII Prescripto worth 170. Pwede na. Unting libot na lang. Naalala ko rin tuloy si Berna na super concert pa sa gitna ng SM Pampanga. Grabe. Kanta kung kanta. Isa pa, natapos yata isang oras niya sa SM kapipilit kay Bien na manlibre. Tapos yung iba, nahirapan yata mamili ng bibilhin kaya ayun nagend up sa pagkain na lang. :] After 1 hour, ayun nasa bus na kami. Jollibee time naman. Si Sir Rubia kasi, masyado yatang naligayahan sa pagsungkit ng buong Divison ng Bataan sa title as the Over all First Runner Up in Region 3. Masaya naman, at nabusog rin kami.
Pabalik sa Bataan. Hindi ako gaanong nagenjoy sa biyahe kasi naman masyadong sumakit yung ngipin ko. Tapos si Berna pa, kala mo nagwawala sa upuan. Adjust ng adjust ng paa. [Hindi man lang makuntento sa isang position lang. ]
About 10:30 na yata nung nakabalik ako sa Mariveles. Walang tanong tanong.. alam na nilang talo yung Buss. Planning kasi kapag panalo ako nagrereact agad ako. Pero okay lang.. talagang ganun ang buhay. Masaya rin naman ako dahil kahit papano ay nanalo ang mga kaibigan. [ Kaya lang sana... nanlibre sila para naman may silbi yung pagkapanalo nila. haha. Tamaan ng dapat tamaan. ]
Sa susunod na kabanata ng Buhay sa STEP, siguradong di na kami involve. Malamang, may kanya kanyang buhay na kami sa kolehiyo. Gayunpaman, hinding hindi ko kakalimutan ang mga ala alang binigay sa akin ng STEPat sana sa susunod na taon ay makapunta pa ako sa Host ng DSDC. Salamat STEP :[