Monday, May 16, 2011

BAHAGHARI sa KARIMLAN





"Sumasakit ang ulo ko! Naiiyak ako at nais kong kumawala sa nararamdaman kong ito. Hindi ko nais pang balikan ang alaalang halos kitilin na ang liwanag na dapat pumukaw ng aking tunay na pagkatao."


Naranasan mo na ba ang maghirap? Ang malagay sa peligro ang iyong buhay? Ako... oo. Mahirap man isipin at paniwalaan, marami rin akong napagdaanang hirap at pasakit sa buhay.


Pinanganak ako na isang malusog na bata. Ngunit sa kabila nito, sadyang mahirap para sa mga magulang ko ang kami'y maalagaan ng maayos dahil sa kawalan ng stable na trabaho. Lumalaki ako, nagkakaisip, masaya na sana ang buhay ngunit isang dagok ang dumating sa buhay namin noong ako'y tatlong taon na. Napagalaman ng aking mga magulang na ako ay mayroong Acute Hephatitis A - isang kondisyon kung saan ang atay ng isang tao ay namamadaga dahil sa mga inflammatory cells na matatagpuan dito. Bagamat walang sapat na trabaho ay pinilit ng mga magulang ko na maghanap ng peramaisalba lang ang aking buhay. Samut saring paraan ang ginawa nila - mangutang, lumapit sa mga kamag-anak atbp. Dugo't pawis ang kanilang inalay ngunit kung minsan, dinadaan na lang ng pamilya sa dasal ang nararanasan. Di naglaon, nakaraos ang aking magulang at ang aking munting katawan sa aking karamdaman.


Bumalik ako sa dati kong gawi - maglaro at magsaya. Normal na naman ang daloy ng aking buhay. Natuto akong damhin ang tunay na buhay pagkabata. Samut saring kulay ang pumuno ng aking katamlayan matapos ang nakakapagod na pakikibaka sa buhay. Ngunit sadya yata talagang mapagbiro ang tadhana. Di pa man lubos na nakakabangon ang aming pamilya sa problemang aming nakaharap ay isa na namang pasanin ang nagaambang maatang sa balikat ng aking magulang at sa mura kong katawan.


Napagalaman ng aking mga magulang na mahina naman ang aking baga matapos macheck-up ng aking doktor. Lumabas ang resulta na ako raw ay mayroong TUBERCULOSIS at nasabay iyon sa unang pagtungtong ko sa mababang paarala na papasukan ko. Minsan minsan akong nilalabas ng aking magulang para ipatingin sa doktor kahit nasa klase ako. Lagi rin akong nanghihina. Sa kahabagan naman ng Poong Maykapal mabilis akong nakarecover at gumaling.


Dati rati habang ako'y nahihirapan sa mga sakit na nararamdaman, di ko maiwasang magtanong kung bakit nangyayari ang mga iyon sa akin. Kalimitan akong nasa sulok ng bahay.. malungkot at walang kausap, tinitiis ang lahat ng sakit. Pero ngayon dahil sa mahal ako ng Panginoon, mula sa kadiliman ako ay nakahanap ng pag-asa sa malilit na siwang ng liwanag. Ngayon ako ay nakaalpas na sa malungkot na bahaging iyon ng aking pagkabata. At mula sa kadiliman ako ay nakahanap ng BAHAGHARI sa KARIMLAN.


0 comments:

Post a Comment