Monday, May 16, 2011

Sowsyal Layf




Ang friendster na dati mong kinahumalingan
Ay iyong kinahakutan ng maraming kaibigan.
Diba't naenjoy mo pa nga, mga grapikong makukulay
At mga layouts na sa tingin mo'y walang kapantay?


Hala sige tweet pa sa twitter nating kaibigan
Kung saan ang kalungkutan ay sadyang lumilisan
Sabi pa nga nila cool ka kung ito ay mayroon ka
Dahil pati artista pwedeng makausap sa tuwina.

Alam mo na legal na rin ang pagsstalk sa Formspring na bumibida
Hanapin lang si Mr. Anonymous at tiyak Jackpot na
Mga hinahangaan pwede nang makainterview pa
Kaya naman sa Formspring lagi nang magask pa

Facebook naman ngayo'y kinaadikan
Ng mga kabataan sa ibayo o Pinas man
Online gaming at chatting - ilan lamang iyan
Sa mga kagandahan ng social site na pang alis kalumbayan

Sumasaya ka man sa alin man sa mga ito
Dapat laging isaisip na ito ri'y pwedeng maglaho
At kapag adiksyon dito ay nabuo
Baka pati sa kinabukasan mo ito'y makaapekto

0 comments:

Post a Comment